[Download Epub] ⚆ Sa Aking Panahon ⚖ Tyrakel.de

the story of isang balutang pansit hay it made me cry.. Ano bang inaasahan niyo sa manunulat na to Sa madulas na paglalahad ng kwento t pagiging maestro sa paglaro ng salita, napatunayan niya sa librong to at sa lahat ng gawa niya kung gaano kalaki ang naiambag niya sa panitikan ng Pilipnas Sa mga kwento sa likod ng mga akda niya, naroon din ang natural na daloy ng salita na talagang talento niya Walang sinasayang na salita si EMR Kung may pagkakataon, sana y nakagawa pa siya ng mga akda gaya nito Pero ang mga gawa niya y mananatiling kumikinang at kikilalanin sa paglipas ng panahon pero gusto ko talagang malaman kung anong meron sa pagitan ni EMR at Ricky Lee, hehehe [Download Epub] ☲ Sa Aking Panahon ♽ Labintatlong Istorya Sa Sakop NgTaon Pinili Nang May Pagbibigay Ng Higit Na Halaga Sa Isang Seleksiyon Na Mas Mabisang Makapagbibigay Kulay At Buhay Sa Kapahayagan Ng Isang Tema Ang Pakikipagbuno Ng Awtor Sa Isang Demonyong Kung Tawagi Y Literatura Sa Isang Haba Ng Panahong Sumasakop Sa Pagbibinhi, Pag Uugat, At Pagsusupling Hanggang Sa Makapamulaklak Ng Yabang At Makapamunga Ng Sungay Ang Mga Araw Ng Pagsisimula Sa Pangangapa Ang Mga Araw Ng Pagsisikap Na Matuto At Mahasa Ang Mga Pagbabago Habang Nahihinog Mula Sa Pamamaraan At Dampot Ng Mga Salita Hanggang Sa Hugot Ng Paksain At Kapangahasang Manggiba Sa Balag Ng Tradisyon Mula Sa Paunang Salita Isa sa mga nakakapanabik sa librong ito ay ang paglalahad ng awtor sa kanyang buhay bago ang pagsisimula ng kanyang kwento Ilan sa mga kwentong nakapaloob dito ay nag iwan ng marka sa aking isipan Si Ama, Kung Saan Tubo at Ang Gilingang Bato Ito y kwentong tungkol sa pagsusumikap ng mga magulang para sa ikauunlad ng anak at kung ano ang naging buhay ng kanilang mga anak. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman ako binigo ng akda ni Edgardo M Reyes Maiintindihan ko kung bakit tumataginting na limang bituin ang naging rating ko sa unang libro niya na nabasa ko, ang Sa Mga Kuko ng Liwanag Dahil una, isa sa pinakapaborito kong klasikong pelikulang Pilipino ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag, at pangalawa, dahil kahit hindi ko pa nabibili ang librong iyon noon ay nakikinita ko nang mataas ang magiging rating nito na nagkatotoo nga.Ang totoo, wala akong ibang inaasahan sa librong ito na mga koleksyon ng maiikling kuwento ni Edgardo M Reyes Gusto ko lang talagang masubukan pa ang kanyang mga akda Hindi ko inaakalang magiging isang pambihirang karanasan ang pagbabasa ng kanyang maiikling kuwento Ang pakiramdam na kumakain ka ng masarap na pagkain at nilalasap mo ang bawat subo Parang ganoon ang pagbabasa ng librong ito Ang gandang basahin Bawat isang kuwento, may laman at may aral Walang itatapon Lahat, may sustansiya Sa bawat kuwentong natatapos ko, napapatigil ako at napapaisip dahil ang sarap namnamin at pagnilay nilayan.Paborito kong kuwento sa librong ito at binigyan ko ng five star rating ang Kung Saan Tubo ang ganda ng pagkakahalintulad kay Cristina at sa pine tree , Daang Bakal ito ang tipo ng kuwento na maaaring isapelikula na makabuluhan at hahakot ng maraming parangal , Ang Kayamanan Ni Ingkong Talyo pinakapaborito ko sa lahat, naalala ko rin si Haruki Murakami dahil sa dambuhalang nematoda , at Ang Gilingang Bato pinakamaganda at pinakamapusong kuwento, ito ang tipo ng kuwento na pagkatapos mong basahin ay lalo mong maa appreciate ang iyong mga magulang.Nagustuhan ko rin at binigyan ko ng four star rating ang Unang Patak Ng Luha magandang panimula sa isang napakagandang koleksyon ng mga kuwento, akmang akma ang punto de bista ng isang bata , Isang Balutang Pansit may tadyak sa realidad ang damdamin ng ending , Si Ama napaka poetic ng pagkakakuwento at tulad ng Ang Gilingang Bato ay makapagpapahalaga sa ating mga magulang.Okay rin para sa akin at binigyan ko ng three star rating ang Paalam Sa Isang Kaibigan bigla kang mapapaisip kung kumusta na nga kaya ang mga kaibigan mong matagal mo nang hindi nakikita , Buhay, Tumatawang Larawan, Lugmok Na Ang Nayon, Orasan, at Dalawang Pares Ng Glab.Pinaka nadismaya naman ako sa Ang Bahay Na Iyon dahil hindi ko nagustuhan ang ending Ang dami nang tumatakbo sa isip ko habang binabasa ang kuwento Akala ko pa, may malaking pasabog na mangyayari sa dulo na ikatatayo ng balahibo Pero sa huli, nabitin lang ako at tila napakamot sa ulo Gayunpaman, binigyan ko pa rin ito ng three stars dahil nakakaengganyo itong basahin at puno ng misteryo.Umabot sa 3.78 ang average rating ng bawat kuwento, four stars kung ira round off Sa totoo lang, nais ko itong bigyan ng five star rating dahil panalo lahat ang mga kuwento Pero ano nga ba naman ang silbi ng mga rating na ito kung ibibilang ko pa rin ang Sa Aking Panahon sa hanay ng mga pinakapaborito kong libro Di ba Hindi lang ito antolohiya ng maiikling kwento, kundi maging ng sanaysay dahil kada maikling kwento ay may mahaba habang intro ang author para bigyang konteksto at balik tanawin ang panahon na sinulat niya ang kwento Dahil doon, marapat ding tawagin itong memoir Maganda ang bawat kwento Subtlety ang isa sa pinaka talent ni Edgardo Reyes sa pagsusulat Laging subtle, lalo na ang ending, ng kanyang mga kwento At sa anumang art, major element ang subtlety Minsan nga lang eh sa sobrang subtle, hindi na ma gets Para kay Reyes, ang lead at ending paragraph ang pinakamahalagang parte ng kwento Ang lead daw kasi ang nagtatakda ng mood ng kwento At sa ending naman, hindi man daw maisasalba ng magandang ending ang isang pangit na kwento, paniguradong sisirain naman daw ng pangit na ending ang isang magandang kwento At tama siya ro n Napakaraming nobela ang nabasa kong nagpapatunay sa teorya niyang yon.Ang totoo, mas nagustuhan ko pa ang mga sanaysay kaysa sa mismong mga kwentong binabalik tanaw nito Kung bakit ay dahil nakaka inspire at insightful ang kwento ni Reyes bilang manunulat Nakaka relate ako kay Reyes Isa siyang batang manunulat na hindi nagtapos ng Panitikan, hindi galing sa lahi ng mga manunulat, at hindi pa nakakatamo ng malalaking pagkilala, na ang tanging bala lang sa pagsususlat ay pagbabasa ng napakaraming libro at paulit ulit na pagre revise ng sariling kwento. it s great isang balutang pansit Sa loob lamang ng 15 taon 1959 1973 , ayon kay Edgardo M Reyes sa paunang salita, ay nakapagsulat sya ng humigit kumulang 300 istorya Ang 14 na naririto sa koleksyon ng Sa Aking Panahon ay di nya tinuturing na gintong ani Ngunit parang ganun na nga sapagkat may pangkalahatang motibo ang pagkakapili ng mga istorya sa aklat na ito Ang bawat isa ay nagpapaalaala sa kanya ng isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay O di kaya nama y pumapaksa ng kanyang pag unlad bilang baguhang manunulat ng kwento hanggang sa isang ganap na kinikilalang nobelista.May kanya kanyang awtobiograpikal na introduksyon ang mga napiling istorya, kung kaya parang 2 in 1 ang kinalabasan Bukod sa mga kuwentong talaga namang mataas ang antas sa letrang Filipino, mababasa rin ang kwento ng pag usbong ng isang manunulat mula sa kanyang pinagmulan hanggang sa pag usbong ng kanyang karera sa larangan ng panitikan.Sa maiikling sanaysay ni Reyes ay mababasa ang pulitika ng pagsusulat sa kanyang kapanahunan Kasama rito ang mga editoryal na makinasyon sa likod ng magasing Liwayway, ang pagsali nya sa mga patimpalak ng nasabing magasin at ng Gawad Palanca, at ang kanyang relasyon sa mga kasabayan at inabutan nyang manunulat katulad nila Liwayway Arceo, Roger Sicat, A C Fabian, at Ricky Lee Hitik sa mga tsismis ang mga prologo ng bawat kwento.Pinatutunayan ng aklat na si Reyes ay isang maestro sa larangan ng maikling kuwento Hindi lamang sa aspetong teknikal masasalat ang kanyang galing Masusi, madamdamin ang pagninilay ng kwento sa masalimuot na sitwasyong kinasangkutan ng mga tauhan Ang kwento nila ay kwento ng pagtutuos sa kapalaran ng mga walang wala o ng mga nawawala Sila ang kadalasang mga agrabyado sa buhay, mga dukha, mga maliliit na tao Mahirap humanap ng paborito dito Halos lahat ay may espesyal na kalidad Pero kung pipilipitin ang braso ko at sapilitang papiliin, ang gumuhit ng malalim sa aking damdamin at isipan ay Lugmok na ang Nayon , Si Ama , Kung Saan Tubo , Daang Bakal , Ang Bahay na Iyon , Paalam sa Isang Kaibigan , at Ang Gilingang Bato Halos kalahati Sabi nang mahirap e Kung sinasabing di pa sila maituturing na gintong ani , ibig sabihin sa 300 kuwento ni Reyes ay marami rami pa ang naghihintay lamang na maipmprenta at mabasa Namumukadkad ang natural na galing ni Reyes sa pagtudla ng puso at isip Inaamin nya na dala ng praktikal na konsiderasyon ang pagkakasulat nya ng ilang kwento Naroong tapusin nya ang isang kwento sa magdamag para lamang may makain ang pamilya Masasabing nagsimula sya bilang stereotipikal na hunger artist na dahil sa angking talento at diskarte ay nagsimulang magtagumpay.Makikita agad sa mga una nyang kwento ang simpatya sa mga kawawa ng lipunan Sa Buhay at Isang Balutang Pansit , mapagtatanto ang simbolismo ng pansit bilang buhay , katulad ng kinaugaliang paghahanda ng pansit tuwing may kaarawan Ang pansit ang syang papatid ng gutom at kahirapan ngunit ang isang balot nito ay pansamantala lamang Marami pang hibla ng pansit ang kailangan para maisalba ang buhay hikahos.Sa Lugmok na ang Nayon maaaninag ang tila parasitismo ng lungsod sa mga kayamanan ng nagdarahop na nayon Isang bagay na patuloy na naoobserbahan sa ngayon sa kasagsagan ng materyalismo at kapitalismo, kung saan ang kapaligiran ng mga bayan bayan ay patuloy na pinagkukunan ng mga hilaw na materyal para gamitin ng mapagsamantalang mga tao sa lunsod.Ang mga kwentong Si Ama at Ang Gilingang Bato ay pareho namang kakikitaan ng pagpupunyagi ng mga magulang na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak Hindi sumusuko ang magulang para sa kapakanan ng mga anak Sila ang di matatawarang ehemplo ng katapatan, ng di matitinag na prinsipyo Ang pagtanaw naman ng utang na loob ng mga anak ay hindi talaga sasapat sa kadakilaan ng huwarang ama at ina.Nakakalungkot isipin na tila hindi na laging ganun ang kalakaran ng pamilyang Pilipino Parang hinahamon na ng modernong pamumuhay ang ilang kaugaliang nakagisnan na natin Katulad ng walang pakundangang pagbasag ng isang dayuhan sa mahika ng pamahiin at tradisyon ng baryo sa Ang Bahay na Iyon.Bagamat patuloy ang tunggalian ng makabago at makalumang panahon, nananaig sa mga karakter ni Reyes ang likas na ugaling hindi sumuko sa laban Pilit na itinitindig ng mga karaniwang manggagawang tauhan sa Daang Bakal , Orasan , at iba pang nabanggit ang di matatawarang pagyakap sa prinsipyong hindi nga nakakain ngunit bumubusog ng kaluluwa.Ang mga tema ng kuwento sa koleksyong ito, ang kanilang kabuuan at konektadong epekto, ay nagtatanghal sa estado ng pamilya at lipunang Pilipino sa panahon ni Reyes Hanggang ngayon ay masasabing nananatili ang nobena at nobela ng nagbabagong panahon at tradisyon Sa ganang kanya, naipahayag ni Reyes ang isang uri ng kapangahasang manggiba ng balag ng tradisyon nang hindi sinasantabi ang dignidad ng indibidwal, at pinagdidiwang pa ang kanilang katapatan.Katapatan Iyan ang ugaling ipinamamalas ng mga tauhan ni Reyes sa Sa Aking Panahon Tila hindi lamang pag asenso sa buhay kundi pambihirang katapatan ang tangi nilang adhikain at syang literal na bumubuhay, nagbibigay buhay sa kanilang pagkatao Bagamat ang mga tauhan ay tila hinahatulan ng kapalaran, sinusubsob ng kahirapan, at ginugupo ng mapanikis na pagkakataon, katapatan ang sya nilang mahigpit na pinangahahawakan Isang katapatang hindi naluluma ng panahon Katapatang lubos na pinagkaloob ng isang totoong taong manunulat. Inalalahad rito ang karanasan at buhay ni sir Edgardo M Reyes bilang manunulat sa simula ng bawat kuwento 13 piling katha Simula nang kung paano siya napasok sa Liwayway hanggang sa umalis Pati ang istorya ng Sa mga Kuko ng Liwanag ay nandito rin, kung paanong na rejected on 27 counts.Nandito rin ang maikling kuwento na ikinapanalo ni Sir Edgardo sa Palanca.Ang kuwentong Si Ama ay ang pinakanagustuhan ko.Naaalala ko pa na nagpabasa ang Ina ko sa akin ng kuwento para makatulog siya tanghali Binasahan ko siya ng unang kuwento sa libro na Unang Patak ng Luha , naku halos maluha luha si Ina pagtapos ko basahin sa kaniya Sabi niya, Nako, Paolo, wag mo na akong babasahan ng kuwento kung ganyan lang, naiiyak lang ako Hindi na nakatulog si Ina, nagpunas na lang ng kaunting luha sa mata.Makalipas ang ilang araw ay nagpabasa ulit siya para makatulog Binasahan ko ng Ang Gilingang Bato Tinanong ko pa siya kung anong itsura ng Gilingang Bato, kasi hindi pa ako nakakakita nun Inilahad naman niya ang itsura at kung paano gamitin Kaso sa kalagitnaan ng kuwento ay nakatulog na si Ina.Sa kalahatan ay gustong gusto ko ang libro Solid Walang lovestory, kaya gusto ko Ha ha Sana mabasa na ng iba pa